Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang positibong pananaw ngayon ng Senado sa ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ito ay matapos ang pahayag ni Senate President Tito Sotto na handa niyang isponsoran ang panukala sa Senado para ito ay umandar sa kabila naman ito ng pagkontra ng iba pang Senador sa naturang panukala.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naniniwala silang darating din ang panahon na sasangayon din ang mga senador sa phase 2 ng TRAIN matapos ang pahayag ni Sotto.
Binigyang diin ni Roque na ang kailangan lang ay maipaliwanag ng mabuti sa mga Senador ang magandang benepisyo ng TRAIN 2.
Inihalimbawa ni Roque ang pagbaba ng corporate tax na pakikinabangan hindi lang ng mga negosyante dahil magreresulta ito ng paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino at aalisin din aniya nito ang pribilehiyo na hindi pagbabatad ng ilang Locators sa mga Economic Zones.