Manila, Philippines – Inalis ni Senate President Tito Sotto III ang probisyong nagtatanggal ng tax incentives sa mga economic zones sa ilalim ng isinusulong na panukalang package 2 ng Tax Reform Program o TRAIN 2.
Katwiran ni Sotto – ang probisyon ay nakatanggap ng hindi magagandang feedback kaya niya ito tinanggal.
Aniya, dapat manatili ang mga insentibo sa buwis dahil kung hindi ay posibleng mapilitan ang mga investor na mamuhunan sa ibang bansa.
Sa ilalim ng TRAIN 2, bababaan ang corporate income tax mula sa 30 hanggang sa 25% habang magkakaroon ng rationalizaton sa fiscal incentives.
Facebook Comments