TRAIN ACCIDENT | Naaksidenteng tren sa Washington, mabilis ang naging takbo

Washington – Lumabas sa imbestigasyon ng National Transport Safety Board (NTSB) na mabilis ang naging takbo ng Amtrak train na nadiskaril sa Dupont, Washington.

Ayon kay NTSB spokeswoman na si T. Bella Dinh-Zarr – tumatakbo ang tren sa bilis na 80 miles per hour sa riles na pang-30 miles per hour.

Nabatid na biyaheng Seattle patungong Portland sana ang tren, nang madiskaril sa bahagi ng Dupont at naghiwa-hiwalay ang 13 sa 14 na bagon nito na ikinamatay ng tatlong katao.


Facebook Comments