Manila, Philippines – Halos pitong milyong manggagawa ang ma-e-exempt o hindi na magbabayad ng personal income tax simula sa susunod na taon.
Ito ay sa ilalim ng Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Spokesperson Marissa Cabreros – ang lahat ng kumikita ng 250,000 pesos kada taon o halos 22,000 pesos ang sahod kada buwan ay wala nang babayarang income tax.
Tanggal na rin aniya ang personal exemptions gaya ng hanggang apat na anak.
Sa datos ng BIR, maglalaro sa 50,000 hanggang 100,000 pesos ang mababawas sa personal income tax ng mga regular employees na nasa gitna o malaki ang sahod.
Pero hindi pa kasama sa kwenta ng BIR ang mga regular na kaltas gaya ng SSS, Philhealth at PAG-IBIG.