TRAIN ACT | Reporma sa buwis, mas magiging pabigat sa mga Pinoy?

Manila, Philippines – Mas magiging pabigat sa mga Pilipino ang Tax Reform for Acceleration And Inclusion o TRAIN act.

Giit ni dating Cong. Neri Colmenares na kahit tumaas ang take home pay ng mga manggagawa, babawiin naman aniya ito sa mahal na mga bilihin.

Sa ilalim ng TRAIN, malilibre sa pagbabayad ng buwis ang mga empleyadong sumasahod ng P250,000 kada taon.


Pero kapalit naman nito ang pagtaas ng excise tax sa mga bilihin gaya ng petrolyo at sweetened beverages.

Dagdag pa ni Colmenares, tila naisahan lang ng gobyerno ang mga Pilipino.

Facebook Comments