Manila, Philippines – Dumulog sa Korte Suprema ang samahan ng mga consumer sakaling maisabatas ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, may mga probisyon silang nakita sa TRAIN sa bersyon ng Senado na wala sa inaprubahang bersyon ng Kamara na labag sa Saligang Batas.
Aniya, anumang batas sa pagbubuwis ay dapat mangagaling sa Kamara.
Tinukoy nito ang probisyon na magpapahintulot para itaas ang coal taxes na magiging daan para tumaas rin ang singil sa kuryente.
Babala ni Dimagiba, hindi lang presyo ng kuryente ang tataas dahil may epekto ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin maging ang presyo ng semento.
Facebook Comments