TRAIN CRASH | 4 patay, 43 sugatan sa Turkey

Turkey – Apat ang patay habang 43 ang sugatan sa nangyaring train crash sa Ankara, Turkey kaninang umaga.

Ayon kay Governor Vasip Sahin – bumabiyahe papuntang konya ang high-speed train nang bumangga ito sa locomotive na noon ay nagsasagawa ng inspeksyon sa riles sa kaparehong ruta.

Sa lakas ng impact, halos kumalas ang mga bagon at nagkalat ang debris ng tren sa riles.


Nagpapatuloy pa ang search and rescue effort ng mga otoridad habang nagsasagawa na rin ng technical investigation para matukoy ang sanhi ng banggaan.

Nito lang Hulyo, 24 ang nasawi habang daan-daan ang sugatan sa isang train accident sa tekirdag province sa Northwest Turkey dahil sa ground erosion bunsod ng malakas na pag-ulan sa lugar.

Facebook Comments