TRAIN CRASH | 9 patay sa pagkadiskaril ng tren sa Turkey

Ankara, Turkey – Nasawi ang siyam na indibidwal habang nasa 46 ang sugatan matapos madiskaril ang isang high speed train sa Ankara, Turkey.

Umaasa si Ankara City Governor Vasip Sahin na hindi na madagdagan pa ang bilang ng patay.

Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan – tatlong katao ang ikinulong na pinaniniwalang sangkot sa aksidente.


Tiniyak ng Turkey government na pananagutin ang sinumang nasa likod nito*.*

Sa ulat, sinalpok ng tren lulan ng 206 na pasahero ang isang maintenance vehicle sa Marsandiz Station na nagresulta ng pagbagsak ng bahagi ng isang tulay sa dalawang bagon nito.

Facebook Comments