TRAIN CRASH | DFA kinumpirmang walang Pinoy casualties sa Turkey

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang nadamay na Filipino sa nangyaring malagim na train crash sa Turkey.

Ayon kay Ambassador to Turkey Ma. Rowena Sanchez 7 ang nasawi habang 46 naman ang sugatan makaraang maaksidente ang high-speed train sa Ankara kaninang umaga.

Patungo sana ang tren sa Konya na probinsya ng Turkey.


Ayon sa DFA sa inisyal na imbestigasyon walang Pinoy casualties pero patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Filipino community doon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang search and rescue operations at inaalam na rin ang sanhi ng naturang aksidente.

Facebook Comments