TRAIN LAW | BIR, inilabas ang bago nitong regulasyon hinggil sa pagpapababa ng estate at donor’s tax

Manila, Philippines – Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang
bago nitong regulasyon ukol sa pagpapababa ng estate at donor’s tax.

Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) law.

Sa nilagdaang revenue regulations ni BIR Commissioner Caesar Dulay,
papatawan na lamang ng anim na porsyento ang estate at donor’s tax.


Ang allowable deductions sa gross estate ng isang namatay na tao ay nasa
limang milyon kapag resident, 500,000 kapag non-resident, kabilang na ang
claims laban sa mga hindi nabayarang utang at sangla (mortgage).

Tinaasan ang tax exemption para sa ‘estate of family home’ sa 10 milyon
mula sa dating isang milyon.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments