Manila, Philippines – Ibinabala ni Senator Bam Aquino ang malaking epekto sa halaga ng produkto at iba pang serbisyo sa merkado ng pagtaas sa presyo ng gasolina dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Itinatakda ng TRAIN ang pagpataw ng excise tax na P2.50 bawat litro ng diesel at bunker fuel simula nitong January 1, 2018, P4.50 sa 2019 at P6 sa 2020.
Para naman sa gasoline, ang excise tax ay itinaas na mula P4.35 bawat litro patungong P7 ngayong taon, P9 sa 2019, at P10 sa 2020.
Diin ni aquino, dahil sa nabanggit na dagdag buwis ay magkakaroon ng dagdag sa gastos ang pamilyang Pilipino at matinding pasanin ito lalo na sa mga mahihirap.
Umaasa si Senator Aquino na sasapat ang pagtaas sa take-home pay para mabalanse ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Nakapaloob din kasi sa TRAIN ang pagtaas sa 250,000 pesos na halaga ngtaunang sweldo na hindi na kakaltasan ng income tax habang itinaas din sa 90,000 pesos kada taon ang bonus at mga allowance na tax exempted.