TRAIN LAW | Halos P25-B financial assistance, ibibigay sa mga mahihirap na maapektuhan ng reporma sa buwis

Manila, Philippines – Tiniyak ni 1PACMAN PL Rep. Michael Romero na nakapaloob sa 2018 budget ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na maaapektuhan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN at pautang para sa mga PUV operators and drivers na maaapektuhan naman ng PUV Modernization ngayong taon.

Ayon kay Romero, nakahanda ang gobyerno sa pagbibigay ng tulong para sa mga maaapektuhan ng mga bagong batas na pinirmahan bago mag- Bagong Taon.

Nasa P24.488 billion ang financial assistance na ibibigay sa mga mahihirap sa ilalim ng Tax Reform Cash Transfer Project.


Bubuo na lamang dito ng guidelines ang DSWD at Landbank of the Philippines ng guidelines para sa distribusyon ng subsidiya sa mga mahihirap.

Samantala, nasa P1.33 billion naman ang inilaan ng Department of Budget and Management at Landbank para sa pautang sa mga PUV operators and drivers kasunod na rin ng pagpapatupad ng modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Inaantabayanan naman ng Kongreso sa ngayon ang mechanics at components ng PUV Modernization na isusumite ng DOTR.

Facebook Comments