Manila Philippines – Magsasagawa ng public hearing ang Senate Committee on Energy upang tingnan ang imbentaryo ng coal at oil products.
Ito ay upang makatulong sa pagtaas sa presyo ng kuryente at produktong petrolyo dahil sa buwis na idudulot ng pag-arangkada ng Tax Reform For Acceleration And Inclusion (TRAIN) Law.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang chairman ng komite, layon ng pagdinig na masigurong hindi maiisahan ang mga consumers sa pagbabayad ng mas mataas na presyo sa mga produktong petrolyo at kuryente mula sa mga oil at coal stocks na hindi pa naman sakop ng panibagong excise tax.
Iginiit ng senador na kailangang magmintena ang mga kumpanya ng langis at oil-based generation companies ng 15-30-day inventory ng stock ng petroleum products base na rin sa circular na ibinaba sa kanila ng Department of Energy.
Samantala, ang mga coal power plants naman anya ay kailangang magmintena ng 30-day coal running inventory.