TRAIN LAW | IRR para sa suspensyon ng excise tax sa langis, binubuo na

Binubuo na ng Department of Finance (DOF) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa suspension ng excise tax para sa 2019.

Bukod dito, sinabi rin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III – inaayos na rin ang guidelines kung paano re-implementation ng hike.

Aniya, ire-review sa ilalim ng 3-month period ang reimposing ng fuel tax hike na nakatakda sa susunod na taon.


Sa ilalim ng TRAIN Law, una nang ipinatupad ngayong taon ang dagdag excise tax sa ₱2.50 per liter sa produktong petrolyo, ₱2 per liter naman sa 2019 at ₱1.50 sa 2020, na may sumatutal na ₱6 per liter excise tax hike.

Facebook Comments