Manila, Philippines – Kukwestyunin ng MAKABAYAN Bloc sa Supreme Court ang legalidad ng tax reform for acceleration and inclusion o train law.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, pinag-aaraalan na nila ang paghahain ng petisyon para ipatigil ang implementasyon nito.
Naniniwala si Zarate na minadali ang pagsasabatas nito at sinamantala ang pag-apruba dito habang walang quorum at wala man lamang ipinamahaging kopya sa mga miyembro ng Kamara.
Marami aniyang mga mahihirap ang maaapektuhan ng train dahil tiyak na tataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo dahil sa mga dagdag na buwis na ipapataw.
Sa tantya ng MAKABAYAN Bloc, aabot sa 15.2 million na mga mahihirap na pamilya ang tiyak na lalong maghihirap dahil sa tax reform ng pamahalaan.