TRAIN LAW | Mahigit 30 milyong manggagawa, apektado ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa tax reform law

Manila, Philippines – Higit 30 milyong manggagawa ang tatamaan ng pagtataas ng presyo ng bilihin at serbisyo bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines Spoksesperson Alan Tanjusay, nangunguna rito ang mga minimum wage earner na hindi makikinabang sa batas na TRAIN law.

Aniya, lalong mababaon sa kahirapan ang dati nang mahirap.


Sa ilalim ng batas, pinababa ang income tax pero inaasahan ang pagtaas ng presyo ng bilihin kasabay ng pag-akyat ng buwis sa petrolyo, coal, mga sasakyan at matatamis na inumin.

Dahil dito, asahan na aniya ang mas mataas na wage hike petition ng ilang mga labor group.

Kasabay nito, inaasahan ding mas malaki ang ibibigay na umento ng wage board para makasabay naman ang mga minimum wage earners.

Facebook Comments