Manila, Philippines – Hindi sapat ang panukalang national minimum wage sa mga manggagawa para maibsan ang epekto ng TRAIN law.
Sa Interview ng RMN DZXL Manila sa economist na si Butch Valdes at Chairman ng Larouche Philippines Society, sinabi niyang kapag tumaas kasi ang sahod siguradong kasunod nito ay tataas din ang presyo ng basic commodities.
Ayon kay Valdes, hindi lang naman sa Value Added Tax maaring kumuha ng kita ang pamahalaan.
Kahapon, isinulong ng Makabayan Bloc ang house bill 7787 na layong gawing P750 ang national minimum wage mula sa kasalukuyang P512 bunsod ng sumisirit na presyo ng produktong petrolyo dulot ng TRAIN law.
Layunin ng panukala na makasabay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Facebook Comments