Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni Finance Undersecretary Kendrick Chua na pawang mga mayayaman lang ang mag bebenipisyo sa oras na matanggal o masuspinde ang TRAIN Law.
Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Chua na bagaman at totoong tumaas ang presyo ng gasolina dahil sa TRAIN Law at inflation ay hindi naman mahihirap ang totoong nagdurusa rito kundi ang mga mayayaman na maraming sasakyan.
Bagaman at inamin din ng opisyal na may domino effect ang pagtaas ng langis na nararamdaman ng mahihirap ay hindi hamak na aniya na mas malaki naman ang pakinabang ng mga ito dahil sa mga tulong mula sa pamahalaan gaya ng unconditional at conditional cash transfer na dahil din sa TRAIN Law.
Dagdag pa ni Chua mas gaganda pa ang ekonomiya ng bansa sa oras na makumpleto na ng pamahalaan ang mga infra projects nito kung saan TRAIN Law din ang nagpondo.
Paliwanag pa ni Chua hindi maaring magbibigay ng libre ang pamahalaan ng walang nagpopondo nito kaya dapat ay mayroong pagkukuhanan ang gobyerno para ibigay sa mga mahihirap at ito nga aniya ang langis, tobacco juices at iba pa na kung susumahin ay pawang nakakasama sa kalikasan at katawan ng tao.