Manila, Philippines – Ipatatawag ngayong araw ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis.
Ito ay para malaman ng DOE kung gaano pa karami ang nakaimbak na langis ng mga ito na hindi pa dapat patawan ng dagdag na buwis.
Ayon sa DOE, inaasahang magkakaiba ang petsa ng oil price hike ng mga kumpaniya ng langis dahil sa magkakaiba ang dami ng supply nito.
Papayagan lang kasi ang dagdag singil sa produktong petrolyo batay sa bagong excise tax kapag naubos na ang kanilang stock ng langis.
Facebook Comments