TRAIN LAW | Mga militante, nagsagawa ng die in protest sa ilang tanggapan sa Makati

Manila, Philippines – Sinugod ng grupong Kilusang Mayo Uno ang mga tanggapan ng Department of Trade & Industry, Employers Confederation of the Philippines at Shell tower sa Makati city upang kundenahin ang patuloy na pagragasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion TRAIN law.

Tinawag ng KMU na triple whammy ang epekto o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang sahod at kontraktwalisasyon dahilan upang lalong maghirap ang mga manggagawa.

Sinabi pa ni Ed Cubelo, KMU metro manila chairperson nang dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis at pagpapatupad ng train law ang mga manggagawa ay nagdurusa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin habang ang sahod ay nananatiling mababa


Samantala tinawag din na inutil ng grupo ang Duterte administration dahil sa kawalan ng imik sa halos lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Maliban sa pagpapahayag ng kanilang sentimyento, humiga din ang mga myembro nito at sinunog ang mga bitbit nilang plakards

Pagkatapos ng protesta kusa din namang nagdisperse ang grupo.

Facebook Comments