TRAIN LAW | Mga nanay, kaniya-kaniyang diskarte sa pagtaas ng presyo ng isda at gulay ayon sa Akbayan women’s group

Manila, Philippines – Hindi na isinasaalang alang ngayon ng mga ina ng tahanan ang nutrisyon sa mga pagkain ng pamilya kundi kung ano na lamang ang puwedeng panglaman ng tiyan.

Ayon kay ReyAnne Librado ng Akbayan women’s group, doble na ngayon ang presyo ng bilihin dahil sa epekto ng Tax Reform Accleration and Inclusion o TRAIN law

Kaniya kaniyang diskarte na ang mga ina ng tahanan kung paano mapagkasya ang aabutin ng kakarampot na budget.


Dahil sa nagmahal ang bigas, Dalawang ulit na lamang magsaing ang bawat pamilya.

Dahil nagmahal na ang presyo ng karne at isda,gulay at bigas, chichiria o fish crackers o noodles na ang pang ulam ng mahihirap na pamilya.

Ang pang meryenda na bigay ng kapitbahay ay itinatabi para may ipangsahog sa ulam

Malaking pasanin sa mga ina ang sitwasyon dahil ang mga ina ay hindi lamang humahawak sa budget kundi caregiver o tagapag alaga sila ng mga anak at matatandang magulang

Bagamat nawala na ang kinakaltas na buwis sa mga manggagawa, ramdam naman ng mga walang suweldo ang epekto ng TRAIN law.

Facebook Comments