Train Law, nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

Lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng ilang polisiya ng Duterte Administration gaya ng Train Law.

Ito ang ipinagmalaki ng Economic at Infrastructure Cabinet Cluster bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, average na 6% ang iniangat ng ekonomiya mula noong 2016.


Kumaunti ang bilang ng mga mahihirap at nabawasan din ang mga Pilipinong walang trabaho.

Pero ayon kay Sonny Africa ng Ibon Foundation, kaya bumaba ang bilang ng mga mahihirap dahil masyadong mababa ang pamantayan ng kahirapan.

Ang poverty threshold ng gobyerno ay 10,481 Pesos para sa pamilyang may limang miyembro.

Kapag ang pamilya ay kumikita ng ganitong halaga kada buwan ay hindi na maituturing na mahirap.

Facebook Comments