TRAIN LAW | Oil companies, pinagsusumite ng DOE ng imbentaryo ng suplay

Manila, Philippines – Nagpulong ngayong umaga ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at mga kinatawan ng mga oil company upang matiyak ang tamang implementasyon ng oil tax alinsunod sa TRAIN Law.

Ayon kay Energy Undersecretary at Spokesperson Wimpy Fuentebella, napagkasunduan sa pagpupulong na magsusumite ng inventory ang mga oil company ng stock ng kani-kanilang liquified petroleum products simula December 31.

Ito ay upang malaman kung hanggang kailan magtatagal ang lumang stock ng mga oil company na hindi pa dapat patawan ng excise tax.


Sa taya ng DOE, maaaring umabot sa 15 days bago maubos ang old stock ng langis alinsunod na rin sa Executive Order 134 na nagtatakda ng minimim 15 days inventory ng mga liquified petroleum products.

Inatasan rin ang mga oil company na maglagay ng anunsyo sa bawat gasoline station kung kailan sila magpapatupad ng excise tax.

Magsasagawa rin ng random checking ang DOE sa mga gasoline station, oil depot, at refineries upang matiyak na tama ang pagpapatupad ng oil tax.

Facebook Comments