TRAIN LAW | Pagkakalat ng balitang wala pang epekto sa presyo ng produktong petrolyo ang TRAIN law, pinanawagang itigil na

Manila, Philippines – Iginiit ni Akbayan Rep. Ariel Casilao sa DTI na tigilan ang pagkakalat ng fake news na hindi pa makakaapekto ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN sa pagtataas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Giit ni Casilao, hindi dapat magpauto ang publiko sa sinasabi ng DTI na wala pang epekto sa pagtaas ng presyo ang TRAIN.

Aniya, wala pa man ang Enero, maraming mga pamilihan ang agad na nagtaas ng singil sa softdrinks, LPG, at mga produktong petrolyo.


Dagdag pa ni Casilao, automatic na kapag nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay automatic din ang pagtataas ng bilihin at serbisyo.

Nagtataka ang kongresista kung bakit minamaliit ng DTI ang negatibong epekto ng pagtaas ng buwis para ito ay unti-unting tanggapin ng publiko.

Facebook Comments