TRAIN LAW | Pananamantala ng mga negosyante, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Iimbestigahan ni Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Senator Juan Miguel Zubiri ang napaulat na iligal na pagtataas ng mga negosyante sa presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo.
Ayon kay Zubiri, ito ay malinaw na pananamantala sa epekto ng ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o Train na sinimulang ipatupad nitong January.1. 2018.
Ikinabahala ni zubiri ang mga napaulat na pagtaassa presyo ng ilang produkto kahit wala pang inilalabas na implementing rules and regulations ang Bureau of Internal Revenue, Department of Finance at Department of Trade and Industry.
Inihahanda na ni Zubiri ang resolusyon para sa gagawing imbestigasyon na plano niyang ihain sa Lunes.
Diin ni Zubiri, pag pagdinig ay naglalayong proteksyunan ang mga mamimili sa hindi makatwirang pagtataas ng presyo ng ilang magpasamantalang sektor at mga negosyante.

Facebook Comments