Manila, Philippines – Pinag-iisipan ngayon ni Senador Panfilo Ping Lacson ang paghahain ng panukala na magbabawas sa 143 na exempted o hindi pinagbabayad ng Value Added Tax o VAT.
Ang hakbang ni Lacson ay sa harap ng tumitinding reklamo sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law sa inflation rate o presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Lacson, maghahanap sya ng counterpart sa kamara na maaring maghain ng kaparehong panukala.
Hihingin din muna ni Lacson ang suporta ng Department of Finance kaugnay sa kanyang plano.
Magugunitang sa deliberasyon noon ng TRAIN law ay iginiit ni Lacson na alisin ang 143 VAT exemptions na inaasahang makapagbibigay sa gobyerno ng dagdag na 117-billion pesos na kita.
Facebook Comments