Manila, Philippines – Gustong paimbestigahan ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao sa Department of Energy (DOE) ang ‘premature’ na pagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo.
Ito ay bago pa man tuluyang maramdaman ang epektibo ang Tax Reform For Acceleration And Inclusion (TRAIN) law.
Ayon sa mambabatas, lalong mananamantala ang mga kumpanya ng langis dahil sa train law at oil deregulation law.
Sabi ni Casilao, bagaman madadagdagan ang sweldo ng mga mamamayan ay mababalewala lamang ito dahil sa ipapataw na buwis sa presyo ng petrolyo na magreresulta sa mas mataas na presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments