TRAIN LAW | Sen. Bam Aquino, nanawagan sa gobyerno na tulungan ang pamilyang pilipinong apektado ng mataas na presyo ng bilihin

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Bam Aquino na kasabay ng tag-ulan ay nalulunod pa rin ang pamilyang Pilipino sa mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN law.

Ayon kay Aquino, hindi handa ang gobyerno na ibigay ang ipinangakong tulong pinansyal o cash transfer ng TRAIN para sa mga Pilipinong masasagasaan ng taas-presyo.

Sa huling detalye, 2.6 milyong kabahayan pa lang mula sa sampung milyong target ang nabigyan ng cash transfer.


Ito aniya ang dahilan ng kanyang pagkontra sa pagpasa ng TRAIN law, tumataas ang presyo pero masyadong delayed ang cash transfer.

Nanawagan si Aquino sa gobyerno na ibahagi na ang pinangakong tulong pinansiyal at i-rollback na ang tax sa petrolyo.

Isa si Senador Bam sa apat na senador na kumontra sa pagpasa ng TRAIN law.

Facebook Comments