Manila, Philippines – Tataas ang singil sa kuryente.
Isa ito sa nakikitang epekto ng Manila Electric Company (Meralco) kapag naipatupad na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng Duterte Administration.
Ayon sa Meralco, karagdagang 8 centavos per kilowatt hour (kWh) ang posibleng itaas sa electricity rates ngayong 2018.
Base sa draft estimate ng Meralco, one centavo ang excise tax ng coal at oil habang ang VAT (Value-Added Tax) sa transmission charge ay 7 centavos.
Asahan na ayon sa Meralco ang karagdagang 8 centavos per kWh sa bayarin ng kuryente ng kanilang mga customer ngayong bwan ng Pebrero.
Pero bago tumaas ang bayarin sa kuryente sa Pebrero, patitikimin muna tayo ng bawas singil ng Meralco ngayong buwan.
Ito ay bunsod ng murang kuryente mula sa supplier.
Ayon sa Meralco bababa ng 0.526kwh ang ating electricity bill ngayong January.
Narito ang katumbas na kuwenta ng bawas-singil:
Sa mga kumukunsumo ng 200 kWh may bawas na P105.20 sa inyong electric bill ngayong buwan, 300 kWh -P157.80; 400 kWh-P210.40; 500 kWh – P263.00.