Manila, Philippines – Bagamat sigurado na ang pagtaas ng ilang bilihin dahil sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng Duterte administration, tiniyak ng Department of Trade and Industry na maliit lamang ito.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, halos limang sentimo lamang ang itataas ng presyo ng ilang mga bilihin gaya ng canned goods, kape powdered milk, instant noodles, tinapay at sabong panlaba dahil sa pagtaas ng produktong petrolyo.
Dagdag pa ni Lopez, bantay sarado ng ahensya ang mga pangunahing pamilihan para hindi makapagsamantala ang ilang negosyante
Muli namang nagpaalala ang DTI sa publiko na agad na isumbong sa kanila ang mga mapagsamantalang negosyante sa pamamagitan ng text o tawag sa mga numerong 7513330 at 09178343330.
Magmulta naman ng P20,000 hanggang P1-million ang mga mahuhuli.