TRAIN LAW | Taas-presyo sa produktong petrolyo, dapat sa Enero 16 pa ipatupad

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Energy (DOE) kung kailan dapat ipatupad ang bagong excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, kailangang ubusin muna ng mga fuel retailer ang lahat ng kanilang stock noong 2017.

Sa pagtataya ng DOE, dapat mayroon pang 15 araw na supply ng gasolina, diesel, at kerosene ang oil companies mula sa 2017.


Ibig sabihin, Enero 16 pa dapat magkaroon ng taas-presyo ang mga produktong petrolyon bunsod ng TRAIN.

Dagdag pa ng DOE, sa Enero 8 pa mauubos ang 2017 supply ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng mga fuel retailer habang sa Pebrero pa dapat maramdaman ang galaw sa singil ng kuryente dahil sa susunod pang buwan mauubos ang 2017 supply ng coal.

Facebook Comments