Manila, Philippines – Mararamdaman na ng publiko sa susunod na buwan ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Sabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, nasa 0.76 centavos ang inaasahang madadagdag sa singil sa kuryente dahil sa coal tax.
Habang pitong sentimos naman ang inaasahang pagtaas dahil sa VAT sa transmissions.
Kapag natuloy ito, ang isang bahay na kumokonsumo ng 200 kilowatt hours ay madadagdagan ng P15.52 ang buwanang electric bill.
Karamihan ng suplay ng Meralco ay galing sa natural gas kaya hindi ito gaanong apektado sa pagtaas ng coal tax.
Bukod sa sitwasyon sa kuryente, tinututukan din ng Department of Energy ang epekto ng TRAIN law sa presyo ng langis.
Facebook Comments