Train service operation ng LRT Line 1, pinalawig ngayong holiday season

Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na palalawigin ang Train Service Hours ng Light Rail transit (LRT) Line 1.

Ang Extended Service Hours ay mula October 25 hanggang December 31.

Ayon kay LRMC Chief Operating Officer Enrico Benipayo, layunin nitong maserbisyuhan ang mga pasaherong dadagsa ngayong holiday rush.


Base sa schedule, ang huling tren sa Baclaran ay aalis ng alas-10:00 ng gabi habang alas-10:15 ng gabi naman sa Roosevelt Station tuwing weekdays.

Kapag weekends, ang huling biyahe ng tren sa Baclaran ay alas-9:30 ng gabi at alas-9:45 ng gabi sa Roosevelt Stations.

Mananatiling alas-4:30 ng umaga ang unang biyahe ng LRT-1.

Facebook Comments