Train speed ng MRT-3, gagawing 40kph simula bukas, October 1

23

Simula bukas ay asahan na ang mas mabilis na biyahe ng mga sumasakay sa tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3.

Pabibilisin na sa 40kph ang train speed mula sa dating 30kph.

Mapapaikli na rin ang average headway o pagitan ng dating ng susunod na tren, mula sa dating 9 minutes patungong 6.5 to 7 minutes.

Resulta ito ng paglalagay ng bagong long-welded rails sa lahat ng MRT-3 stations bilang bahagi ng massive rehabilitation ng Sumitomo-Mitsubishi sa rail line.

Una nang naiayos ng MRT-3 ang mga bagon, aircon, elevator at escalator sa mga train station.

Facebook Comments