Training aircraft, bumagsak sa Iba, Zambales

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbagsak ng isang Cessna plane sa Purok 4, Sitio Corocan, Brgy. Lipay-Dingin-Panibutan sa Iba, Zambales

Nabatid na galing sa Iba Airport ang training aircraft nang magka-aberya ito.

Ligtas naman ang apat na sakay ng Cessna plane at sila ay agad na dinala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales

Kanilala naman ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang mga nakaligtas na sakay ng Cessna plane na sina:

• Capt. Jacques Robert Papio (Flight Instructor);
• Quinsayas Angelo Josh (Student-pilot);
• Althea Kisses Nunez (Student-pilot); and
• Jericho Bernardo Palma (Student-pilot), all Filipino citizens.

Nabatid na ang operator ng Cessna 172 aircraft na may Tail No. RP-C2211 ay ang SkyAero Trade.

Facebook Comments