Nagkaaberya kahapon ng umaga ang SF260FH Marchetti trainer aircraft ng Phlippine Air Force (PAF).
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, lumipad sa runway 21 ng Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas ang naturang aircraft at nagkaaberya habang nasa ere.
Ani Castillo, nagawa pang mag-crash landing ng mga piloto sa isang open area sa loob ng kampo kung kaya’t wala itong naitalang pinsala.
Sa ngayon, nasa ligtas ng kalagayan ang dalawang piloto na lulan ng aircraft matapos na agad makaresponde ang emergency team.
Narekober din ang bumagsak na eroplano na isinasailalim ngayon sa assessment habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa pagbagsak nito.
Sa kabila ng insidente, tiniyak ng PAF na nananatiling mahigpit ang kanilang pagsunod sa maintenance gayundin sa operational protocols ng kanilang mga aircraft.