Training at schooling ng mga pulis sa abroad, suspendido muna dahil sa banta ng COVID-19

Hindi na muna papayagang makalabas ng bansa ang mga pulis na mayroong nakatakdang training at schooling sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ni Acting PNP Spokesperson Major General Benigno Durana sa harap ng pagtaas na nang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Durana, mayroong mahigit 200 bansa kabilang na ang China kung saan nagsasagawa ng mga training at schooling ang mga pulis.


Sa ngayon, suspended muna ang pag-iisyu nila ng foreign travel and authority to travel abroad sa mga pulis na may scheduled training and schooling abroad.

Habang ang mga pulis na nasa ibang bansa at on-going ang training o schooling ay imo-monitor sila ng pnp.

Sinabi ni durana hangga’t hindi natatapos ang banta ng COVID-19 ay mananatiling suspendido ang training at schooling abroad ng mga pulis.

Facebook Comments