Training bubble ng mga Pinoy athlete na sasabak sa Olympics, pinayagan na

32

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang national athletes na ipagpatuloy ang kanilang training bubble sa Calamba, Laguna para sa Tokyo Olympics na gaganapin sa Hulyo 23, 2021.

Batay sa resolusyon ng IATF, pinaalalahanan ang lahat na kailangang sundin ang health at safety precautions para maiwasan ang anumang Coronavirus transmission.


Pinababawasan din ng task force ang pakikipag-ugnayan ng mga atleta sa mga tao sa labas ng training bubble.

Matatandaan na ang 2020 Tokyo Olympics ay ipinagpaliban ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments