Mas lalo pang pinalakas ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) ang kakayahan ng mga tauhan at barko sa isang malawakang pagsasanay sa Bulacan.
Isinagawa rito ang Fleet Education, Training and Doctrine Development Institute, at Practical Training for PCG Vessels kasama ang JCG Mobile Cooperation Team.
Kasama sa pagsasanay ang towing drills, firefighting, typhoon operations, damage control, oil spill prevention, at operational analysis, pati na rin ang tabletop exercises at debriefings para sa pagpapalakas ng best practices.
Layunin ng programa — alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patibayin ang pakikipag-ugnayan sa mga international at lokal na makatutuwang para sa kaligtasan, seguridad, at pangangalaga ng karagatan.
Dumalo naman sa closing ceremony ang mga kinatawan ng JCG, JICA, BFAR, at mga opisyal at instruktor ng PCG upang kilalanin ang matagumpay na kooperasyon ng dalawang bansa.









