TRAINING | Gilas Pilipinas Cadets, sasabak sa 2018 FilOil Flying V preseason premier cup

69

San Juan City – Sasabak sa 2018 FilOil Flying V preseason premier cup bilang guest team ang Gilas Pilipinas Cadets na magsisimula sa April 21 sa San Juan City.

Ito ay bilang training na din ng mga players mula sa under 23 kung saan ilan sa mga kasali dito ay sina kobe Paras, Thirdy Ravena, Paul Deisderio, Matt Nieto, Robert Bolick at Kai Sotto.

Ayon kay Coach Chot Reyes, magsisilbi itong bilang training ground ng national pool para sa mga upcoming international tournaments na kanilang sasalihan.

Agad na lalaro sa opening day ang Gilas Cadets laban sa Ateneo de Manila University sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng laban ng De La Salle University at University of the Philippines.

Facebook Comments