Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa pamahalaan, Department of Health (DOH) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) na madaliin ang training para sa tamang handling, transportation at administration ng COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng pagpuna ng World Health Organization (WHO) sa kakulangan ng sapat na trained personnel na magbibigay ng bakuna sa mga low at middle income countries.
Diin ni Villafuerte dapat matiyak na ang mga mangunguna sa pagbabakuna sa local government level ay may sapat na kaalaman sa priority list, storage ng bakuna lalo na sa mga lugar na walang cold storage facility at ang tamang administration ng bakuna.
Ito ay para matiyak na hindi masasayang ang mga COVID-19 vaccines.
Dagdag ng kongresista, may sapat pa na panahon para sa naturang pagsasanay gayundin ang patuloy na malawakang vaccine information drive dahil mayorya ng populasyon ay sa second o third quarter pa ng taon mababakunahan.