TRAINING | Liza Soberano, ibinahagi ang ginagawang paghahanda para sa pagganap nito bilang Darna

Manila, Philippines – Ibinahagi ngayon ng aktes na si Liza Soberano ang ginagawa niyang paghahanda sa gagawing Darna movie.

Sa kanyang latest instagram post, ipinasilip ni Liza ang kanyang ginagawang training sa gym para ma-achieve ang mala-Darna body.

Ginawa ng aktres ang hakbang para pawiin ang mga ugong-ugong na hindi na daw siya gaganap pa para sa iconic Pinay Superhero.


Sa unang litrato ay makikita na nakikipag-boxing sa isang trainer si Liza, kasunod naman nito ang paggamit ng battle ropes at huli ang kanyang concentration habang naka-plank.

Matatandaan na mahigit isang taon na nang mapabalitang si Liza na nga ang gaganap sa superhero role matapos umatras si Angel Locsin dahil hindi na daw niya ito magagampanan matapos magkaroon ng back injury.

Facebook Comments