Training ng mga nag-aapply na rider ng Angkas, nagpapatuloy pa rin

Manila, Philippines – Kahit na ipinasara na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tuloy pa rin ang training ng mga nag-aaply na Angkas riders sa isang covered court sa Taguig City.

Sa nasabing training, dito nasusubukan ang galing at abilidad ng rider na magmaneho habang may pasahero.

Kwento ng ilang mga nag-aaply sa angkas, wala naman daw silang natatanggap na abiso kaya’t tuloy pa rin ang kanilang training.


Ayon naman kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, hindi talaga nila maaring gawing legal ang operasyon ng Angkas kahit pa ipilit ng mga

Base kasi sa Republic Act 4136, hindi maaring magsakay ng pasahero at tumanggap ng pamasahe ang mga pribadong motorsiklo kung saan hihingi na din ng tulong ang LTFRB sa Department of Information and Communications Technology para matigil na ang application ng Angkas.

Babala pa Lizada, aaraw-arawin daw nila ang Anti-colorum Operation para tuluyang matigil ang kanilang operasyon.

Wala pa rin naman naging pahayag ang pamunuan ng Angkas hinggil sa planong ito ng LTFRB.

Facebook Comments