Training ng student athletes, maaari na sa GCQ at MGCQ areas

28

Aprubado na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang training ng mga student athletes o ang collegiate athletic activities.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ito ay para sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Gayunpaman, kinakailangan pa ring makasunod ang mga ito sa guidelines o mga panuntunan na itinatakda ng Department of Health (DOH) at Commission on Higher Education (CHED).

Ang desisyon na ito ng IATF ay kabilang sa mga naaprubahan sa kanilang huling pulong noong Huwebes.

Facebook Comments