Tinapos na ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang anim na buwang ensayo para sa nalalapit na laban kontra kay Yudernis Ugas sa August 21.
Inubos ni Pacquiao ang apat na round ng kanyang huling sparring session sa sparmate nitong si Abraham Lopez.
Ayon kay Lopez, napanatili ni Pacquiao ang kanyang bilis at timing sa pagsuntok at hindi rin kumupas ang foothwork ng fighting senator.
Si Errol Spence dapat ang makakasagupa ni Pacquiao sa ring pero umurong ito dahil sa right eye injury.
Facebook Comments