TRAINING ON AGRICULTURAL INNOVATION AND BAMBOO PRODUCTION ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY

Isinagawa ang unang araw ng Training on Agricultural Innovation and Bamboo Production sa Hundred Islands E-Kawayan Factory, MVC Techno-Demo Farm sa Barangay Tangcarang sa Alaminos City.
Layunin nitong maisulong ang kawayan bilang isang high value crop at isang magandang alternatibong mapagkakakitaan ng mga mangingisda at magsasaka sa Region 1.
Ang mga kalahok ay mula sa sa bayan ng Bangar at lungsod ng San Fernando sa La Union at sa karatig bayan ng Mabini at Dasol.
Isa-isang sumabak ang mga ito sa paggawa ng mga produkto na gawa sa kawayan bilang panimula sa paghasa sa kanilang kakayanan.

Ang naturang programa ay sa ilalim ng Department of Agriculture katuwang ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City. | ifmnews
Facebook Comments