TRAINING SEMINAR PARA SA PROFESSIONALIATION NG MGA BARANGAY TANOD/ CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION, ISINAGAWA SA ALAMINOS

Nagsagawa ng Professionalization of Barangay Tanods/Civilian Volunteer Organization (CVOs) Training Seminar Phase I ang pamahalaang lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office (POSO).
Inorganisa ang Barangay Tanod o CVOs (Civilian Volunteer Organization) para tumulong sa pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ito ay alinsunod sa naturang tungkulin, nagsasagawa sila ng mga ronda o gabi-gabing patrol kung saan nailalagay sa panganib ang kanilang buhay sa mga kamay ng mga kriminal o masamang hangarin at iba pang suwail na miyembro ng lipunan.

Importante ang pagkakaroon ng seminar na ito para sa mga CVOs dahil mahalaga ang kanilang bahagi sa lipunan kaya napapanahon din ang aktibidad na ito para mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman at mas maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin. |ifmnews

Facebook Comments