Trak ng alak na bumaligtad, imbes na tulungan, ninakawan pa!

Balintawak – Imbes na tulungan, ninakawan pa ng mga residente ng Barangay Unang Sigaw ang naaksidenteng truck na may kargang alak.

Nangyari ang aksidente sa Cloverleaf Balintawak, pasado alas-dose ng madaling araw.

Ayon sa driver na si Nico Cereso – mula Laguna, magde-deliver sana siya sa Valenzuela nang magbagsakan ang nasa isang libong case ng beer.


Nagtakbuhan naman ang mga residente, pero hindi para tumulong kundi para magnakaw ng alak.

Ayon sa driver na si Cereso, nasa P1.3 milyong piso ang halaga ng nasayang na alak.

Umabot naman sa halos apat na oras bago nalinis ang 1000 case ng alak sa tulong na rin ng mga tanod at tauhan ng NLEX.

 

Facebook Comments