Tuesday, February 17, 2026

TRAKTOR AT KOTSE, NAGSALPUKAN SA BACNOTAN, LA UNION

Naganap ang salpukan ng isang traktor at kotse noong Pebrero 16 sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Guinabang, Bacnotan, La Union.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, magkasalungat ang tinatahak ng dalawang sasakyan nang lumusot ang kotse sa linya ng traktor, na nagdulot ng head-on collision.

Nagtamo ng pinsala ang parehong sasakyan sa hindi pa matukoy na halaga ng pagkukumpuni.

Hindi naman nasaktan ang mga driver at pinayuhan na sumailalim sa medikal na pagsusuri sa kanilang piniling ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments