Trans fat sa mga pagkain, target na mabawasan sa PH pagsapit ng 2023 – DOH

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng isang administrative order (AO) na layong alisin ang mga industrially-produced trans fatty acid (TFA) sa mga pagkain sa bansa sa 2023.

Ayon kay Dr. Rodley Carza, Health Promotion Bureau ng DOH, ang AO 2021-0039 ay magbibigay ng patnubay para mabawasan ang nakokonsumong TFA ng mga Pilipino sa mas mababa sa 1%.

Nakasaad din sa AO na ang mga industrially produced TFA at processed food product na naglalaman ng TFA ay ipinagbabawal ang paggawa, pag-import at pagbebenta.


Ipinagbabawal din sa AO ang mga pahayag na TFA-free sa mga food packaging.

Batay sa World Health Organization (WHO), ang mga pagkain na mataas ang trans fat ay puwedeng pagmulan ng high blood, atake sa puso at stroke.

Ang trans fat ay ginagamit ng mga kompanya para sumarap at pahabain ang buhay ng mga pagkain at hindi ito agad mapanis.

Facebook Comments